Sa Mata ng Kontrabida

Hindi ko sinasadya
Di ko sinasadyang mahulog sayo
Di ko sinasadyang hanap-hanapin ka ng puso ko
Di ko sinasadyang mahulog sa lalaking may ibang laman ang puso.

Lagi akong nakakarinig ng mga kwento ng pagkasawi sa pag-ibig
At ang laging dahilan ng kanilang sakit
Ay yung ipagpapalit sila sa iba
Puro galit at pait ang nararamdaman ng taong naiwan
Puro kagaguhan naman daw ang alam ng taong nang-iwan
Pero ni minsan wala akong narinig na simpatya para sa kontrabida

Ang akala kasi ng lahat
Kapag ikaw ang bago, pakiramdam mo ikaw na ang panalo
Totoo, pakiramdam mo ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo
Ikaw ang pinili eh
Pero madaling mawala ang ilusyon

Masakit maramdaman na lagi kang pangalawa
Na lagi kang huli
Na sa bawat masasayang minuto na kasama mo sya
Maiisip mo, “Ginawa rin kaya to nila?”
Na sa mga sandaling kayakap mo sya
Gusto mong magtanong kung ganun din ba sya kahigpit yakapin noon
O baka higit pa?
Na sa bawat dampi ng labi mo sa labi nya
Tatanungin mo ang sarili mo, “Kasintamis ba ng halik ko ang sa kanya?”
Na sa bawat gabing katabi mo syang mahimbing na natutulog, wala kang ibang maisip kundi “Ako kaya ang napapanaginipan nya, o sya?”
Na sa bawat pag gising mas nya, tinatakot ka ng posibilidad na nagsisisi na sya na ikaw ang pinili nya.

Kahit kailan di ka mapapanatag dahil alam mong
Tulad ng nakaraang relasyon nya
Wala kayong kasiguraduhan
Lagi kang magagambala ng takot
Na baka sa pag gising mo’y wala na sya
Tulad ng pagkawala nya sa nakalipas nya

Napakahirap magmahal pero mas
Mahirap magmahal kapag alam mong may kakumpetensya ka
Mahirap magmahal kapag alam mong may nasaktan ka
Mahirap magmahal kapag alam mong ang puso’t isip nya ay punong-puno ng bakas ng taong pinalitan mo
Mahirap magmahal kapag alam mong sa mata ng lahat
Ikaw ang kontrabida

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s